Japan Prefecture, Bibigyan ng Leave ang mga Manggagawa para Mag-alaga ng kanilang mga Apo
Plano ng prefecture ng Miyagi sa northeastern Japan na bigyan ng bakasyon ang mga government worker para alagaan ang kanilang mga apo bilang bahagi ng pagsisikap na tulungan ang mga magulang na nagpapalaki ng anak.
Ang initiative, na inaasahang magsisimula sa Enero, ay ang unang naturang gawain sa 47 prefecture sa bansa, ayon sa gobyerno ng Miyagi. Sinasalamin nito ang dumaraming bilang ng mga pamilya kung saan nagtatrabaho ang parehong mga magulang at kung saan kailangan ang tulong mula sa mga grandparent.
Sinabi ni Gov. Yoshihiro Murai sa mga mamamahayag noong Oct. 3 na mag-three days off siya ngayong buwan para alagaan ang kanyang pangalawang apo na ipinanganak noong Setyembre, at binanggit ang kanyang “deep regret” sa hindi niya nagagampanang papel sa pagpapalaki ng sarili niyang mga anak.
Plano ng gobyerno ng prefectural na pahabain ang edad ng pagreretiro ng mga manggagawa mula 60 hanggang 65 by fiscal 2031, at inaasahan na ang bilang ng mga empleyadong gustong magbakasyon upang mapangalagaan ang kanilang mga apo habang lumalaki ito.
Isinasaalang-alang ang pagdaragdag ng mga lolo at lola sa sistema ng may paid special leave para sa mga ama na gustong pumunta sa mga manganganak at makilahok sa pangangalaga ng bata.
Ang mga detalye ng plano, kabilang ang specific eligibility criteria at tagal ng pahinga ay hindi pa matukoy. Ang isang kahilingan ay gagawin sa personnel committee ng prefecture na baguhin ang mga regulation sa sandaling matukoy ang mga ito.
Ang mga katulad na plano para sa mga grandparent ay ipinatutupad na ng mga pribadong kumpanya. Ang Toho Bank, isang regional bank na nakabase sa Fukushima sa northeastern Japan, ay nagpapahintulot sa mga grandparent na magbakasyon para sa kanilang mga apo hanggang makatapos sila ng elementarya.