Japan, puspusan ang paghahanda para sa “mass vaccination”.
Patuloy ang paghahanda ng gobyerno para sa pagbabakuna, walang tigil ang preparasyon ng mga “cold bags” na siyang paglalagyan ng mga gamot na mula sa Pfizer. Sa Tokyo, 327 na mga kaso ng hawahan ang naitala ngayong araw. Feb. 20,2021, patuloy ang pagbaba ng mga bilang ng kaso nitong mga nakaraang araw . Umaasa ang gobyerno na huwag ng madagdagan pa o tumaas muli ang mga ito. May mga bago namang nadiskubre patungkol sa bakuna na siya raw umanong posible na maging susi upang matapos na ang mga kaso ng impeksyon. Ayon sa mga israeli researchers ang isang turok ng bakuna na gawa ng Pfizer ay may 85% rate ng effectiveness.
https://youtu.be/BuWP7d3XPpg
Source: ANN NEWS