Japan reports record number of whooping cough cases

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas ang Japan sa 70,000 kaso ng pertussis o whooping cough sa loob lamang ng isang taon, ayon sa datos ng National Institute of Health Crisis Management (JIHS). Hanggang Agosto 31, umabot na sa 72,448 ang bilang ng mga pasyente, malayong mas mataas kaysa sa dating rekord na 16,850 kaso noong 2019.
Noong huling linggo ng Agosto, naitala ang 2,258 bagong kaso—bahagyang mas mababa kaysa sa nakaraang linggo, ngunit nananatiling nasa mataas na antas.
Pinapaalalahanan ng mga awtoridad sa kalusugan ang publiko hinggil sa kahalagahan ng mga hakbang na pang-prebensyon laban sa mga sakit sa paghinga.
Source: Asahi TV
