Japan rules out foreign SDF recruits
By
Posted on
Sinabi ni Japan Defense Minister Shinjiro Koizumi na hindi isinasaalang-alang ng gobyerno ang pagkuha ng mga dayuhan para sa Self-Defense Forces. Mananatiling limitado sa mga Japanese citizen ang recruitment.
Ang pahayag ay kasunod ng mungkahing pag-aralan ang paggamit ng mga dayuhan sa ilang tungkulin dahil sa kakulangan ng manpower. Kinilala ni Koizumi na malaking hamon ang pagkuha ng tauhan dahil sa mababang birth rate at tumatandang populasyon.
Tutugunan ito sa pamamagitan ng mas magandang kondisyon para sa personnel, suporta pagkatapos ng retirement, pagsusuri ng trabaho, outsourcing at paggamit ng AI upang mapataas ang productivity.
Source: JIJI PRESS / Larawan: [email protected]
