Japan Self-Defense Forces, Nagmamadaling Makuha ang Chopper at 5 Crew mula sa Kailaliman ng Karagatan
Ang Self-Defense Forces ng Japan ay nagmamadaling hatakin ang limang katao na pinaniniwalaang mga crew member ng isang helicopter na nawala sa tubig ng southern prefecture ng Okinawa.
Sinabi ng Ground Self-Defense Force na natagpuan ng mga SDF divers ang bahagi ng fuselage sa lalim na 106 meters below the ocean surface, mga 6 na kilometro sa hilaga ng Irabujima Island, nitong Linggo ng umaga. Sinabi nila na kinumpirma din ng mga diver ang limang tao sa ilalim ng tubig.
Ang chopper ng Ground Self-Defense Force ay naglaho mga 3 kilometro sa hilagang-silangan ng Irabujima Island noong Abril 6. Ang sasakyang panghimpapawid, na may lulan ng 10 tauhan ng GSDF, ay lumipad mula sa kalapit na isla ng Miyakojima ilang sandali bago nawala sa radar.
Noong Huwebes, natuklasan ng isang Maritime Self-Defense Force vessel kung ano ang tila bahagi ng helicopter at kung ano ang maaaring ilan sa mga nawawala sa tubig mga 4 na kilometro sa hilaga-hilagang-silangan ng lugar kung saan nawala ang sasakyang panghimpapawid.