Japan, Sinimulan na ang COVID Vaccination para sa mga Batang may Edad 6 na Buwan Hanggang 4 na Taon
Sinimulan ng Japan nitong Martes ang coronavirus vaccinations para sa mga batang may edad na anim na buwan hanggang apat na taon sa isang ospital sa Tokyo, na pinalawak ang eligibility criteria para sa inoculation sa halos lahat ng mga age group.
Ang mga pagbabakuna para sa mga sanggol at maliliit na bata sa ibang mga lugar sa bansa ay nakatakdang sundin sa sandaling handa na ang mga lokal na pamahalaan, dahil nagsimula ang paghahatid ng bakuna noong nakaraang araw.
Kakailanganin ng mga bata na magkaroon ng kabuuang three doses ng bakuna, na nagta-target sa original strain na natuklasan sa Wuhan, China, noong 2019, upang makamit ang similar level of immunity gaya ng mga nasa ibang age groups.
Ang first at second shots ay dapat ibigay sa pagitan ng tatlong linggo, habang ang pangatlong inoculation ay ibibigay ng hindi bababa sa walong linggo pagkatapos ng pangalawang shot.
Ang pagbabakuna ay maaaring isagawa kasabay ng pagbabakuna sa trangkaso, ngunit walang ibang mga bakuna ang maaaring ibigay, sa prinsipyo, sa loob ng dalawang linggo bago at pagkatapos ng pagbabakuna.
Bagama’t ang bakuna, na ginawa ng Pfizer Inc. at BioNTech SE, ay hindi partikular na binuo upang labanan ang highly contagious Omicron variant, ipinakita ng mga clinical trial na epektibo ang bakuna, na may bisa na humigit-kumulang 73 porsiyento.
Natuklasan din ng mga clinical trial na 16 porsiyento ng mga bata sa pagitan ng 6 na buwan at wala pang 2 taong gulang ang nag-ulat ng pananakit ng braso, habang 7 porsiyento sa parehong pangkat ng edad ang nakaranas ng lagnat pagkatapos ng inoculation.
Sa mga batang nasa pagitan ng 2 at 4 na taon, 27 porsiyento ang nakaranas ng pananakit ng braso at 25 porsiyento ang nag-ulat ng pagkapagod, ngunit sinabi ng health ministry ng Japan na karamihan sa mga side effect ay mild at walang safety issues.
Sa isang ospital sa Minato Ward ng Tokyo, ang 2-taong-gulang na si Yui Iwami ay tumanggap ng shot sa kandungan ng kanyang ina, si Yumiko, na nagsabing nag-aalala siya tungkol sa “eighth wave” ng mga coronavirus infection, na iniisip na malamang na kumalat sa paligid. kasabay ng pana-panahong trangkaso.
“I made sure my daughter received the shot to prevent her from getting seriously ill. I came on the first day because I was looking forward to getting her vaccinated,” sabi ng 36-year-old mother.
Lahat ng 20 reservations para sa mga shot sa araw na iyon ay napunan, ayon sa lokal na pamahalaan.
Nagsimula ang inoculation para sa mas maliliit na bata pagkatapos ng pagtaas ng bilang ng mga batang namatay o dumanas ng malalang sintomas, dahil ang pagkalat ng variant ng Omicron ay humantong sa matinding pagtaas ng mga impeksyon.
Ipinakita ng isang academic report na humigit-kumulang 60 porsiyento ng mga bata na nagkaroon ng moderate o severe symptoms dahil sa mga impeksyon mula noong Hulyo ay wala pang 5 taong gulang, ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare.