Japan Space Agency Rocket, Sumabog sa Pagsubok ng Makina
Isang rocket engine ang sumabog sa isang pagsubok sa Japan nitong Biyernes ngunit walang nasugatan, sinabi ng isang opisyal sa Education, Science and Technology Ministry ng Japan.
Ang pagsabog ng Epsilon S engine sa testing site ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) ay ang pinakabago sa isang serye ng mga pagkabigo na nagpapahina sa space ambitions ng Japan.
Ang pagsabog ay naganap halos isang minuto sa test ng second stage engine, sinabi ng opisyal.
Ang kuha sa telebisyon ay nagpakita ng apoy na tumutupok sa gilid ng isang testing facility bago ang small building ay nilamon ng apoy at ang bubong ay sumabog.
Ang bagong medium-lift na H-3 rocket ng JAXA ay inutusang mag-self-destruct sa kanyang debut flight noong Marso, nang ang second-stage engine nito ay hindi nag-ignite gaya ng binalak. Kasunod iyon ng pagkabigo ng solid-fuel na Epsilon-6 rocket ng ahensya noong Oktubre.
Nakita ng lunar transport startup na ispace ang Hakuto-R vehicle na bumagsak sa ibabaw ng buwan noong Abril sa pagtatangka sa unang soft-landing ng isang private company.