Japan, Tinitimbang ang Maagang Pag-apruba Para sa Shionogi COVID Pill
Sinabi ng Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida nitong Lunes na isasaalang-alang ng gobyerno ang pagbibigay ng conditional early approval para sa oral COVID-19 treatment na ginagawa ng Shionogi & Co, habang naghahanda ang firm na magsimula ng isang late-stage global trial.
Sinabi ni Shionogi Chief Executive Isao Teshirogi sa mga mamamahayag na maaaring mag-file ang kumpanya sa Japan para sa maagang pag-apruba ng gamot sa lalong madaling panahon sa susunod na linggo, at maaari itong maghatid ng sapat na dosis para sa 1 milyong tao sa katapusan ng Marso.
Ang mga antiviral na tabletas mula sa Pfizer at Merck & Co ay ginagamit na sa ilang bansa at nagpakita ng bisa sa trials ng mga nasa hustong gulang na may COVID-19 na nasa risk ng serious illness.
Sinabi ng Shionogi na ang mga bagong resulta mula sa isang ongoing clinical trial ng kanilang pill, na kilala bilang S-217622, ay nagpakita ng “significant difference” sa antiviral effect kumpara sa isang placebo, gayundin ang pagpapabuti ng sintomas.
Ang mga pasyente na wala o may mild COVID-19 symptoms ay ginamot gamit ang experimental drug nito at nagpakita ng viral load reduction na humigit-kumulang 63-80% makalipas ang apat na araw compared sa isang placebo group, ayon sa small-scale Phase II/III study.
Plano ng Shionogi na palawakin ang current trial upang isama ang mga pasyente na may moderate symptoms bilang bahagi ng isang Phase III trial at magsimula ng isang global trial sa huling bahagi ng buwang ito.
Sinabi ni Punong Ministro Kishida sa isang televised parliamentary committee meeting na nagbigay ng kaligtasan at pagiging epektibo ng gamot ay kinumpirma ng mga clinical trial na “nais naming suriin ito kaagad“.
Sinabi ni Teshirogi na ang Shionogi ay pangunahing maglalabas ng supply sa Japan upang magsimula, ngunit pagkatapos ay plano nitong palakasin ang produksyon upang magbigay ng sapat na mga tabletas para sa 10 milyong tao taun-taon mula sa new fiscal year simula sa Abril.
Tumaas ng 3% ang shares ni Shionogi sa Tokyo trading nitong Lunes, kumpara sa 0.7% na pagbaba sa broader market.