Politics

Japan, U.S. at Philippines, Paiigtingin ang Maritime Security Ties

Pinuna ng isang American diplomat sa Tokyo nitong Martes ang “increasingly hostile maritime actions” ng China bilang banta sa safety of waterways sa resource-rich Indo-Pacific, habang ang United States ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan sa seguridad sa mga kaalyado na Japan at Pilipinas.

Sinabi ng Deputy Chief of Mission ng US na si Raymond Greene na ang pagwawalang-bahala sa international law at mabigat na aksyon ng Beijing ay naglalayong pataasin ang kontrol nito sa rehiyon. “Specifically, the increasingly hostile maritime actions by the People’s Republic of China threaten the safety of our waterways,” aniya sa isang news conference bago ang pulong ng mga opisyal mula sa tatlong bansa.

”No one nation should be able to dominate Indo-Pacific waters through coercion and outright intimidation,” aniya. “Might does not make right and we do not shy away from calling out Beijing’s provocative actions.”

Aniya, kasama sa mga aksyon ng China ang militarization sa East at South China Seas, harassment sa foreign fishing at iba pang sasakyang pandagat, at pagkaubos ng yamang pandagat at kapaligiran.

Ang China ay second highest sa military spending pagkatapos ng United States at mabilis na ginagawang moderno ang mga pwersa nito. Sinasabi nito na ang militar nito ay para lamang sa pagtatanggol at para protektahan ang mga sovereign right.

Itinuturing ng Japan ang China bilang banta sa seguridad sa rehiyon at nag-aalala tungkol sa lumalaking tensyon na nakapalibot sa Taiwan, na inaangkin ng Beijing bilang teritoryo nito. Nag-aalala rin ang Tokyo tungkol sa increasing cooperation sa pagitan ng China at Russia at ng kanilang joint military activities sa palibot ng Japan, kabilang ang joint firing drills sa hilagang Japan noong weekend.

Sinabi rin ni Japanese Vice Defense Minister Kimi Onoda, sa press conference, na ang Japan at ang Pilipinas bilang mga maritime nation ay nagbabahagi ng mga security challenge, kabilang ang mga pagtatangka ng ibang mga bansa na singlehandedly na baguhin ang status quo sa South at East China Seas.

Sinabi ni Robespierre L. Bolivar, chargé d’affaires sa Philippine Embassy, ​​na ang pagsusulong ng kooperasyon ng tatlong bansa ay mahalaga upang makatulong na maprotektahan ang mga maritime interest ng Pilipinas.

Humigit-kumulang 20 maritime security officials at eksperto mula sa tatlong bansa ang tatalakayin sa dalawang araw na session.

To Top