International

Japan, US at S.Korea, Sumasang-ayon na Makipagtulungan Laban sa N.Korean Missile Threat

Ang mga vice foreign ministerial-level na opisyal ng Japan, United States at South Korea ay sumang-ayon na mahigpit na makipagtulungan upang mapahusay ang panrehiyong pagpigil sa banta ng missile ng North Korea.

Ang Vice Foreign Minister na si Mori Takeo ay nakipag-usap sa pamamagitan ng telepono kay US Deputy Secretary of State Wendy Sherman at South Korean First Vice Foreign Minister Cho Hyun-dong nitong Lunes.

Ang kanilang talakayan ay sumunod sa isang kamakailang serye ng mga paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea, kabilang ang maaaring isang intercontinental ballistic missile.

Kinondena ng tatlong diplomat ang madalas na paglulunsad bilang isang grave at imminent threat sa regional security, at isang malinaw at seryosong hamon sa international community.

Kinumpirma nila na ang tatlong bansa ay magpapatuloy sa kanilang mahigpit na kooperasyon para palakasin ang regional deterrence at gumawa ng mga hakbang sa UN Security Council para itulak ang denuclearization ng North Korea alinsunod sa mga resolusyon ng UNSC.

Sumang-ayon din sila na ipagpatuloy ang trilateral communications sa iba’t ibang antas.

To Top