Japan warns of new earthquake risk in 7 prefectures
Naglabas ang Japan Meteorological Agency (JMA) at ang Cabinet Office ng espesyal na babala noong Abril 20 tungkol sa posibilidad ng mga kasunod na lindol matapos tumama ang malakas na magnitude 7.7 na pagyanig sa hilaga at hilagang-silangang bahagi ng bansa sa parehong araw. Saklaw ng babala ang 182 munisipalidad sa pitong prefecture, mula Hokkaido hanggang Chiba.
Ayon sa mga awtoridad, mas mataas kaysa normal ang posibilidad ng panibagong malakas na lindol at hiniling nila ang ibayong pag-iingat hanggang alas-5 ng hapon ng Abril 27, isang linggo matapos ang unang lindol. Ang pangunahing rekomendasyon ay maging handa ang mga residente na lumikas agad kung magkaroon ng panibagong emergency.
Kabilang sa mga payo ang pagtulog na may damit na madaling gamitin sa agarang paglikas, paglalagay ng sapatos sa tabi ng kama, pagdadala ng emergency bag, mga dokumento at pera, pati na rin ang muling pag-check ng stock ng pagkain at evacuation routes.
Inirekomenda rin ng gobyerno na iwasan ang mga gusaling nasira ng unang lindol, maghanda ng radyo para sa emergency updates, at panatilihing madaling makuha ang mga damit panlamig.
Source / Larawan: Mainichi Shimbun
