Palagi ka bang nagmamadali para sa iyong kakainin sa almusal? Heto ang dalawang simpleng Japanese breakfast meals na pwede mong lutuin sa mabilis na paraan.
Sino ba namang makakatanggi sa miso soup, steamed rice, at spinach with sesame sauce? Narito ang recipe ng tatlong pagkaing ito.
Miso Soup
Mga Sangkap:
4 cups or 960ml Dashi (fish broth)
1 package tofu
4-5 tbsp. miso paste
2 green onions (chopped fine)
Paraan ng Pagluluto:
1. Pakuluan ang dashi.
2. Hiwain ang tofu sa kalahating cubes; idagdag sa dashi.
3. Hinaan ang apoy at tunawin ang miso paste sa dashi pero iwasan itong kumulo.
4. Maglagay ng green onions at alisin sa apoy.
Iserve habang mainit pa ang sabaw!
Steamed Rice
Mga Sangkap:
1 cup short-grain rice (or Calrose rice) measuring 240 ml cup
1 1/2 cup water (360ml)
Paraan ng Pagluluto:
1. Ilagay ang bigas sa bowl. Hugasang mabuti. Ibabad ng 30 minuto.
2. Lutuin ang bigas ng walang takip hanggang sa ito ay kumulo.
3. Haluin at hinaan ang apoy. Lutuin ito ng 15 minuto ng may takip.
4. Hayaan muna ito hanggang 10 minuto bago i-serve.
Spinach with Sesame Sauce Recipe
Mga Sangkap:
1/2 lb spinach
1 tbsp. soy sauce
2 tsp. sugar
1 tbsp. roasted na sesame seeds, ground
roasted sesame seeds pang-garnish
Paraan ng Pagluluto:
- I –blanch ang spinach sa kumukulong tubig ng 1 minuto.
- Palamigin sa faucet at patuyuin, hiwain ito sa maliliit na parte.
- Gilingin ang sesame seeds at ihalo sa toyo na may asukal sa isang mangkok.
- Paghaluin ang sauce at spinach.
- Budburan ang spinach ng sesame seeds.
Tara na at ating lutuin ang mga pagkaing ito! Tiyak ko na gaganahan kayo sa pagpasok sa trabaho o sa eskwela! Kung kayo’y mga simpleng maybahay, subukan niyo ang mga recipeng ito ng easy Japanese breakfast meals na swak na swak sa panlasa ng buong pamilya.
image credit: Nishimuraya Kinosaki/Flickr