JAPANESE CARMAKERS SA CHINA: Bagsak ang benta
Nahihirapan ang mga carmakers ng Japan na makapagbenta sa China, ang pinakamalaking car market sa buong mundo.
Marahil kaugnay sa pagbagsak ng benta ng Japan ang pagkasira ng tiwala ng mga Chinese sa Japan dahil sa pag-release nito ng (radioactive) treated water ng Fukushima Power Plant No.1. sa Pacific Ocean at ang pag-delay ng Japan sa pag-introduce ng electric vehicles (EVs).
Ang tatlong pangunahing car makers ng Japan – Toyota Motor Corp., Honda Motor Co., at Nissan Motor Co. – ay lahat na nakaranas ng pagbagsak sa benta noong August kumpara sa nakaraang taon sa China.
Mas dumadami sa China ang pagbili ng mga EVs, at maaari rin itong isang malaking dahilan kung bakit hindi sikat ang mga Japanese cars. Sa major cities katulad ng Beijing at Shanghai, sinasabing mahirap nang kumuha ng license plates para sa gasoline-powered vehicles.
YOMIURI SHIMBUN SEPTEMBER 8, 2023