Japanese celebrity Madame Dewi accused of assault

Iniharap ng pulisya ng Tokyo sa Opisina ng Pampublikong Tagausig ang kaso ng kilalang personalidad sa telebisyon na si Madame Dewi, 85 anyos, na pinaghihinalaang inatake ang isang babae sa pamamagitan ng paghagis ng baso ng champagne. Nangyari umano ang insidente sa isang restaurant sa distrito ng Shibuya, Tokyo, noong kalagitnaan ng Pebrero.
Si Madame Dewi, na ang tunay na pangalan ay Dewi Sukarno, ay naging ikatlong asawa ng yumaong Pangulong Sukarno ng Indonesia at isa sa mga kilalang personalidad sa midya ng Japan. Ayon sa pulisya, ang umano’y biktima ay dating empleyada ng ahensiyang kumakatawan kay Madame Dewi. Bagaman walang tinamong pinsala ang babae, mariing itinanggi ni Dewi ang mga paratang.
Nagsimula raw ang sigalot habang sila ay kumakain ng hapunan kasama ang limang iba pa, kung saan nagtalo sila tungkol sa mga plano sa aktibidad ni Dewi. Naiulat ang insidente sa pulisya noong kalagitnaan ng Marso.
Matatandaang inanunsyo ni Madame Dewi noong Pebrero ang kanyang hangaring tumakbo para sa isang puwesto sa Mataas na Kapulungan ng Parlamento ng Japan sa nalalapit na halalan ngayong tag-init.
Source: Yomiuri
