General

Japanese doctors magsasagawa ng Trial Plasma treatment para sa mga pasyenteng may coronavirus

Ang isang pangkat ng mga doktor sa Japan ay nakatakdang magsimula ng isang clinical trial ng blood plasma treatment para sa coronavirus.

Ang pangkat mula sa National Center for Global Health and Medicine ay binigyan ng isang opisyal go signal ng pinuno ng ethics committee noong Huwebes.

Ang treatment ay gagawin sa paraan ng pagbibigay sa taong positbo sa coronavirus ng infusion ng blood plasma mula sa mga nakarecover mula sa virus.

Ang plasma ay naglalaman ng mga antibodies na maaaring magbigay ng immunity sa isang tao sa virus.

May mga ulat ng treatment na epektibo raw ito para sa mga malubhang kaso sa China.

Plano ng mga doktor sa Japan na kumuha ng 400 mililitro ng dugo mula sa bawat isa sa 50 katao na nakarecover at ilipat ang plasma ng dugo sa 50 na mga pasyente.

Inaasahan ng mga doktor na makatanggap ng mga donasyon ng dugo mula sa susunod na linggo at simulan ang mga infusion sa Mayo.

Si Doctor Kutsuna Satoshi, na namamahala sa klinikal na pagsubok, ay nagsabi na ang paggamot ng antibody ay napatunayan na epektibo para sa Ebola.

Source: NHK news Japan

To Top