Economy

Japanese government may cut gasoline subsidy

Sinimulan ng gobyerno ng Japan nitong Miyerkules (3) ang mga pagtalakay tungkol sa supplemental budget na nagkakahalaga ng ¥3.1135 trillion para sa fiscal year 2026. Layunin ng panukala na mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng enerhiya na lalo pang pinalala ng matagal na kaguluhan sa Middle East.

Kasama sa package ang subsidies para sa bayarin sa kuryente at gas ngayong tag-init, bukod pa sa pagpapatuloy ng ayuda para sa gasolina na muling ipinatupad noong Marso. Gayunman, dahil sa mga tanong hinggil sa pagpapatuloy ng programa, ipinahiwatig ni Prime Minister Sanae Takaichi na maaaring unti-unting bawasan ng gobyerno ang fuel subsidy upang mapanatili ang fiscal sustainability.

Ayon kay Takaichi, nais ng gobyerno na kumilos agad upang maiwasan ang negatibong epekto sa mamamayan at sa ekonomiya. Dahil dito, pinabilis ang paghahanda ng supplemental budget at inaasahang maaaprubahan ito pagsapit ng ika-5 ng buwan.

Ang buong package ay popondohan sa pamamagitan ng deficit bonds. Ayon sa gobyerno, plano nitong tumbasan ang paglalabas ng mga bond gamit ang tax at non-tax revenues upang maiwasan ang pagtaas ng kabuuang public debt at mabawasan ang pangamba ng financial market.

Source: Kyodo

To Top