Plano ng pamahalaan ng Japan na palawakin ang tulong pinansyal para sa mga munisipalidad na hindi pa nagbibigay ng school lunch sa mga paaralang elementarya, bilang bahagi ng inisyatiba na magpatupad ng libreng pagkain sa buong bansa sa susunod na fiscal year.
Ang pondo ay pangunahing gagamitin para sa pagtatayo o pagpapabuti ng mga pasilidad para sa paghahanda at distribusyon ng pagkain. Isasama ang pagpopondo sa supplementary budget para sa 2025.
Dahil may ilang paaralang elementarya na wala pang school lunch, maaaring magdulot ng pakiramdam ng hindi pagkakapantay-pantay ang pambansang paglalibre — isang isyung nais tugunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng bagong subsidiya.
Umusad ang negosasyon sa pagitan ng Liberal Democratic Party, Nippon Ishin, at Komeito para sa pagbuo ng sistema, na maaaring matapos bago matapos ang buwang ito. Nilalayon ng panukala na limitahan ang libreng pagkain sa mga pampublikong paaralan at magbigay ng karagdagang pondo kung kinakapos ang budget ng mga lokal na governo.
Source / Larawan: Japan News