General

JAPANESE HOSPITALITY

Sa loob ng apat na taon, mayroong malaking dagdag sa bilang ng mga turista galing sa Indonesia at Malaysia. Ang numero na ito ay kasalukuyang naging triple.

Upang mataguyod ang mga gawi ng Islamic tourists, may mga ibang establishments na nag-adopt ng isang tipo ng hospitality: ito ay isang prayer room. Sa Tokyo station, isang kuwarto ang inilaan na may space for purification (ablution) at prayer for Mecca. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may inilagay na ganitong kuwarto sa estasyon.

Sa Asakusa, isa sa mga tourist spots sa Tokyo, ang owner ng isang restaurant, ay naglagay ng space para sa mga customer para makapagdasal at i-enjoy din ang mapayapang lugar. Ang kanilang sahog din sa kanilang broth ay manok at isda lamang.

Noong una, nahihirapan maghanap ng lugar na pagdadasal ang mga muslim, at kailangan nila magdasal ng 5 beses. Ito ang unang hakbang upang ipakita ang Japanese hospitality lalo na sa dadating Tokyo Olympics.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=7Os_YSfoZbw

To Top