Culture

Japanese Occupation of the Philippines: Economic Effects

Japanese Occupation of the Philippines

Japanese Occupation of the Philippines

Bunsod ng pananakop ng Japan sa Pilipinas, ang pangkahalatang ekonomiya ng sinakop na bansa ay sumadsad sa pinakamababang antas  nito. Sa kabila ng karanasang ito, ang mga Filipino ay nanatiling matatag. Katunayan, pagsapit ng 1946, isang matindi at malaking hamon ang nagganap sa larangan ng rehabilitation at development. Upang maisaggawa ang lahat ng ito, ang pamahalaan ng Japan at Pilipinas ay nagkaroon ng isang matibay at masidhing commitment na  mapabuti ang nakakalungkot na lagay ng  ekonomiya ng mga panahong iyon.

Economic Effects

Ano naman ang naging masamang epekto  nito sa overall economic status  ng  Pilipinas? Una sa lahat, ito ay nagdulot ng relocation of economic resources na gagamitin ng public sector sa lalong  madaling panahon. Sa kabilang dako, ang mga materials of strategic values ay sinira.  Isa sa mga halimbawa nito ay  ang depots sa Pandacan, Manila. At ang pinaka mahirap na epekto ng Japanese Occupation ay ang pagnanakaw sa mga warehouses at mga establisamento.

Ang mga ari-arian ay kinumpiska, lalo na kung isang tao ay itinuturing na kaaway ng mga gobyernong Hapon. Mayroon ding mga economic investments ang binansagang war booty. Ilan sa mga ito ang agrikultura, pagnenegosyo, pagmimina at ibat’-ibang uri ng inprastruktura. Sa kabuuan, ang di mapigilang economic disruption ay lalo pang lumawak at lumala sa paglipas ng mga buwan at taon.

Upang maipamalas sa mga Pilipino ang kaakit-akit na economic policies ng Japan, ang civilian government ay inatasang sumunod sa mga ito ng walang pag-aalinlangan. Tulad halimbawa ng paggamit ng trade association policies at paggamit ng sari-saring industriya noon sa Pilipinas. Ang mga industy associations ay mabisang conduit ng kanilang vigorous and stern economic  policies. Samantala, ang mga economic development platforms na mga ito naman ay isasakatuparan ng  pamahalaan ng buong puso at katapatan.

Sundan at ikatlong bahagi ng artikulong ito sa susunod na isyu ng artikulong ito.

Image source: http://www.slideshare.net/kasaysaysan4kids/the-japanese-occupation

To Top