Japanese Prime Minister Kishida, Nangako na Makikipagtulungan sa Poland sa Pagsuporta sa Ukraine
Ang Prime Minister ng Japan na si Kishida Fumio ay nakipag-usap sa kanyang counterpart sa Poland matapos tapusin ang kanyang trip sa Ukraine.
Dumating si Kishida sa capital ng Poland na Warsaw nitong Miyerkules.
Sa kanilang mga pag-uusap, siya at ang Punong Ministro ng Poland na si Mateusz Morawiecki ay nagkasundo sa bilateral cooperation sa pagbibigay ng tulong para sa Ukraine.
Sa isang joint news conference, nagpahayag si Kishida ng paggalang sa Poland at pagpapahalaga sa key role nito bilang isang frontline base para sa humanitarian at military support sa Ukraine.
Nangako siyang tutulungan ang Poland sa pamamagitan ng Official Development Assistance scheme ng Japan, na binanggit na ang pasanin sa bansa ay tumataas sa matagal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Binigyang-diin ni Kishida ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkakaisa ng mga kaalyado at pagpapatuloy ng harsh sanctions sa Russia upang ihinto ang pagsalakay sa lalong madaling panahon.
Sinabi niya na bilang chair of the Group of Seven ngayong taon, makikipagtulungan ang Japan sa Poland sa pamumuno upang matiyak na ang internasyonal na komunidad ay nagkakaisa sa pagsuporta sa Ukraine.
Pinasalamatan ni Morawiecki si Kishida sa pagbisita sa kabisera ng Ukraine na Kyiv, na naglalarawan sa trip bilang clear proof ng suporta para sa sovereignty, territorial integrity at defense of freedom and democracy ng Ukraine.
Sinabi niya na ang mga bansa tulad ng Japan at Poland ay nagbabahagi ng mga pananaw sa kapayapaan, katatagan at kalayaan at dapat magtulungan sa new geopolitical environment na kumakalat bago ang parehong mga bansa.
Nakatakdang bumalik si Kishida sa Japan sa Huwebes ng umaga.