Japanese researcher points to submerged mountain as possible cause of frequent earthquakes in Tokyo

Isang pag-aaral na isinagawa ni Propesor Junichi Nakajima mula sa Institute of Science ng Tokyo ang nagpapahiwatig na maaaring may kaugnayan ang isang nakalubog na bundok sa ilalim ng Tokyo Bay sa madalas na pagyanig ng lupa sa rehiyon ng Kanto, Japan.
Ang lugar ay kilala sa komplikadong estruktura ng ilalim ng lupa, kung saan nagsasalubong ang Philippine Sea Plate at Pacific Plate sa ilalim ng kapuluan ng Japan. Dahil dito, nabubuo ang mga tinatawag na “seismic nests,” mga lugar kung saan madalas mangyari ang lindol.
Ayon kay Nakajima, posibleng ang lindol na tumama sa Tokyo noong 1894 na may lakas na magnitude 7 ay naganap malapit sa parehong “seismic nest.” Umaasa ang propesor na makakatulong ang kanyang pagsusuri upang mas tiyak na matukoy ang mga posibleng lugar ng mga lindol sa hinaharap.
Source: NHK
