Mayaman sa tradisyon ang bansang Japan. Ang kanyang masisipag at makapangyaihang mamamayan ang siyang malugod na kumakatawan sa mga ito, upang lalo pang maipahiwatig ang kahalagahan nito, Sa buwan ng Mayo, maraming marangyang selebrasyon ang naganap at gaganapin upang bigyang buhay ang kanilang mga nakagisnang kaugalian matapos ang mahabang panahon. Halina’t ating tuklasin ang ilan sa mga ito upang lubusan nating maunawaan ang hiwaga ng kanilang maimpluwensiyang kultura noon at ngayon.
Japan’s Festive Celebrations in May
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga Japan’s festive celebrations in May na pinagbubuhusan ng maraming panahon upang mas maaipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang bansa at cultural ideology. Tuklasin at subukan nating makisaya nang tayo ay mamulat sa wagas na kariktan ng Japan sa kabuuang katauhan nito.
Aoba Festival
Ito ay ginaganap mula 17-18 ng Mayo. Tinatawag itong People’s Festival sa lugar ng Sendai. Sa pamamaraan ng pagdiriwang nito, ang Japan ay may mikoshi parades, flea markets, warrior processions, taiko drumming at street dancing.
Kawawatari Jinkosai
Pinagdiriwang rin tuwing 17 hanggang 18 ng Mayo, at ito ay ginaganap sa Tagawa Fukuoka Prefecture. Sa paglalarawan ng mga di mabilang na turista na nakasaksi dito, may sampung pangkat ang festival na ito na may dala na mga magagandang mikoshi o palanquin. Karera ang pinakatampok na palaro dito, na dapat tumawid sa makasaysayang Ilog ng Hikosan pagsapit ng hapon.
Mifune Boat Festival
Pinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Mayo. Ang mga kasali sa festival na ito ay nakasuot ng mga court dresses sa Panahon ng Maglakbay ang mga natatanging kalahok ng upstream patungo sa Oi River. Ang festival na ito ay binubuo ng tatlong bangka. Habang sila ay naglalakbay, ang mga kalahok ay may mga performances tulad ng noh dramas, gagaku musicians at ang mga tinatawag na shrine maidens. Samantala, kinabibilangan rin ito ng mga makata na nakasuot ng mga magagarang ceremonial robes, at sila ay sadyang malikhain sapagkat nakabibigkas ng mga tula na di hihigit sa 17 verses at kaparehong bilang ng pantig o syllables.
Uchiwa Maki
Ang festival na ito ay ginaganap tuwing 19 ng Mayo. Sa pangkahalatan, ito ay isa sa mga Buddhist ceremonies na may court music at mga sayaw bago ang pinakatampok na palabas. Ang mga paper fans festival na ito ay kagyat na itinatapon sa maraming tao sa lugar na kung tawagin ay Toshhodaiji Temple. Anuman ang misteryo nito, sa ritwal na ito ay itinatago ang mga pamaypay para suwertihin.
Ang mga Japan’s Festive Celebrations in May ay nagsisilbing inspirasyon at pag-asa sa lahat, na sa bawat pagsubok tayo ay dapat na magsaya at maging positibo upang matamo ang ating bawat naisin. At ang pinakamahalaga sa lahat, ang mga May Festivals na ito ay sumasalamin sa kagandahan ng sining noon at magpakailanman.
Image credit: https://www.flickr.com/photos/cachibratoz/505044466/