Japan’s “KM Biologics” nagsimulang magdevelop ng bakuna kontra coronavirus
Nabanggit na nagsisimula na umanong magdevelop ng bakuna laban sa coronavirus ang “KM Biologics”, ang headquarters nito ay nasa Kumamoto City at gumagawa ng mga bakuna at iba pang uri ng mga gamot. Balak nila umanong gamitin ang manufacturing technology para sa influenza vaccines upang makabuo ng bakuna panlaban sa coronaviruses. Ibig sabihin, inumpisahan na nila ang development nito noong ika-22 sa kooperasyon na rin ng National Institute of Infectious Diseases and the University of Tokyo. Tungkol naman sa pagbuo ng bakuna kontra coronavirus, plano nilang tapusin ang non-clinical studies nito gamit ang mga hayop ngayong taon at susunod na subukan sa mga tao.