Japan’s oldest person dies at 115
By
Posted on
Pumanaw sa edad na 115 si Shigeko Kagawa, na kinikilalang pinakamatandang tao sa Japan, ayon sa Ministry of Health, Labour and Welfare. Sa kanyang pagpanaw, si Fuyo Kishimoto, 114, na nakatira sa Kyoto, ang naging pinakamatandang tao sa bansa.
Ipinanganak noong 1911, nagtapos si Kagawa ng medisina noong 1934 at nagtrabaho bilang obstetrician-gynecologist at general physician hanggang edad 80. Nagbukas siya ng sariling klinika sa Nara noong 1937.
Naglingkod din siya sa Osaka Expo noong 1970 at noong 2021 ay naging pinakamatandang taong lumahok bilang Olympic torchbearer.
Source: Kyodo / Larawan: Kyodo – Courtesy of the Yamatokoriyama Prefectural
