Ang Japan ay isa sa mga natatanging bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming sandigan ng kaunlaran. Isa na rito ang urban agriculture. Ayon sa mga agriculturists, ito ang pinakabagong pamamaraan upang magkaroon ng access ang mga mamimili para sa mga locally grown veggies sa kasalukuyang panahon. Kasama rin sa sistemang ito ang urban ecosystems na siyang pangunahing providers ng pagkain, heat-island control and wise water management. Ang Japan’s urban agriculture ay isang modernong sistema na nagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng wastong paggamit ng agricultural land.
Benefits from Urban Agriculture
Sa pamamagitan nito, lumago ang halos 1/3 ng lupa na ginagamit sa pagsasaka. 25 percent ng farming output ng mga Japanese farmers ay galing dito.
Alam ba ninyo na ito ay mas produktibo kumpara sa mga rural counterparts?
Ayon sa statistics ng Ministry of Agriculture Forestry and Fisheries, ang mga urban fields ang mga pinaka-produktibong anyo ng agrikultura kung ang pag-uusapan ay ang economic value of production per area. Dahil sa ganitong uri ng agrikultura, ang agricultural sector ng Japan ay di hamak na mas mataas ng 3% kumpara sa dati.
Sa bahagi nama ng mga Japanese farmers, ang pamamaraan o sistema ng urban agriculture ay dalawang beses na higit na mas produktibo kaysa sa ibang pamamaraan ng pagsasaka. Ang urban agriculture ay maraming di matatawaran na benipisyo sa kabuuan tulad ng mga sumusunod:
- Ito ang pinakamainam at ligtas na pagkukunan ng mga sariwang gulay at prutas na locally-grown.
- Sa ganitong uri ng agrikultura, nagaganap ang patas na pagpapalitan ng kita sa pagitan ng mga producers at consumers gamit ang local farm standards.
- Nagsisilbi itong open space para isang epektibong disaster management process.
- Ginagamit ito bilang recreation sources, kabilang na rito ang green space for personal leisure and spiritual comfort
Higit sa lahat, ang urban agriculture ay nagdudulot ng sustainability at well-being para sa lahat ng mamamayan ng Japan. Ang prosesong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng karagdagang permeable surface na ginagamit sa storm water management at sa mabisang pamamaraan ng pagbabawas ng tinatawag na heat-island effect.