Entertainment

Japan’s Weird Gadgets

weird gadgets

Ang Japan ay hindi lamang tanyag sa kanilang sushi, ramen, tempura at yakisoba. Siya rin ang crowning jewel ng mga kakaibang gadgets na tunay na kababaliwan ng sinumang makakita ng mga ito; kabilang na ang mga weird gadgets.

 

Face Bank

Simulan natin sa misteryosong Face Bank. Ito ay isang mini-automated bank na nilikha ng kumpanyang Banpresto. Kung ang kanyang katangian ang pag-uusapan, ang personalized savings bank na ito ay kusang bumubuka ang bibig kung ikaw ay maghuhulog ng pera. Samantala, ang kamangha-manghang labi nito ay gawa sa rubber material upang maging matibay ito sa paglipas ng maraming panahon.

NTT DoCoMo Fertility Phone D702iF FOMA

Gusto mo bang alamin ang iyong cycle of fertility upang magkaroon ka ng isang malusog na supling? Kung gayon, ang NTT DoCoMo Fertility Phone D702iF FOMA ay hulog ng langit para sa mga kababaihan na sabik na sabik na magkaroon ng munting anghel sa kanilang  tahanan.

Ang nasabing fertility phone ay nalalaman ang iyong fertility level; kung kailan ito mataas. Gawin lamang ang pinakamadaling paraan na ito. Encode mo ang personal information at ang iyong innovative and genius gadget gynecologist na ito ang siya nang bahala na magkalkula ukol sa tamang panahon upang magkaanak muli.

Thanko USB Warm Gloves

Ikaw ba ang isang computer game addict na halos hindi na matulog dahil sa iyong kinahuhumalingang computer games? Ngayon, ang Thanko USB Warm Gloves ay ang iyong best buddy upang maging isang sensational online gaming champion sa malapit na hinaharap. Ito ay isang USB-powered gadget glove upang bigyan ng kakaibang lakas ang iyong mga kamay para matalo ang iyong mga kalaro, ng hindi ka man lang napapagod kahit na isang saglit.

Nohohon Desk Characters

Maniniwala ba kayo sa balitang ang mga makabago at matatalinong Japanese innovators ay nakalikha ng isang solar panel para lamang  sa mga computers at laptops? Ito ay tinaguriang Nohohon Desk Characters. Siguradong hindi na sasakit ang ulo ng mga workaholics kung sila ay may biglaang deadlines sa kanilang trabaho. Ano sa palagay ninyo?

Ang mga weird gadgets ng Japan ay hindi matatawaran ang angking benipisyo para sa lahat ng tao na naghahanap ng madaling paraan upang magampanan ang kanilang mga sari-saring gawin araw-araw.

To Top