Events

Japino JOB Time 2023 Event in Okazaki City

Okazaki City Tatsumi Gaoka Hall: Ginanap ang isang kakaibang event sa Okazaki City nitong August 26 and 27. Ang event na ito ay ang 1st Japino JOB Time 2023, isang job fair at festival para sa mga pinoy at ibang foreigners sa Chubu Area ng Japan.

Kabilang sa mga kaganapan sa event na ito ay ang Fashion Show (18 Pinoy models organized by Samahan sa Barangay Kariya), Karaoke Contest (coordinated by Filcom CCAC) kung saan nanalo ang Pinoy karaoke champion na si Raine De Guzman Ramos.

Samantalang isang malaki ring beauty pageant ang naganap, ang kauna-unahang Miss Philippines Tokai 2023, kung saan nanalo si Willarain Carlisle Ramos sa Little Miss Phils. Tokai 2023, si Alisa Chiba sa Miss Teen Phils.Tokai 2023, at si Arlyn Yamanaka sa Miss Phils. Tokai 2023.

Kabilang sa mga importanteng guests ng event na ito ay ang Mayor ng Okazaki City na si Honorable Mayor Yasuhiro Nakane at ang representative ng Philippine Consulate General sa Nagoya na si Honorable Vice Consul Jericson H. Arceo.

Ipinakita din dito ang video greetings ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Mayor Baste Duterte sa audience ng event.

Nag-enjoy naman ang mga tao sa mga pa-premyo ng mga sponsors at sa Grand Bingo Game kung saan nanalo ang dalawang winners ng round-trip air ticket to the Philippines (courtesy of Cebu Pacific). Cebu Pacific at SBI Remit ang main sponsors ng event.

Ayon sa announcement ng organizer ng event na ito, owner ng Japino.net na si Milton Muranaga, na pagkatapos ng halos tatlong taon na break dahil sa Covid-19 Pandemic ay magkakaroon uli ng big event: 4th Phil Fiesta Tokai 2023 sa Hisaya Odori Park sa October 14 and 15 in cooperation with Tokai TV.

Noong 2019, tinalang 34,000 visitors (Pinoy, Japanese and other citizens) and nagpunta sa 3rd Phil Fiesta Tokai.

To Top