OFW

JEDDAH: STRANDED OFW EATS TRASH

Mga banyagang manggagawa kabilang na ang mga Pinoy na natanggal mula sa kanilang mga trabaho sa Jeddah, Saudi Arabia, ang napilitan nang kumain ng mga  itinapon na pagkain mula sa mga tindahan ng grocery.

Ang mga Pinoy, na tumangging bumalik sa Pilipinas hanggang matanggap nila ang kanilang mga hindi bayad na sweldo at end-of-service na mga benepisyo mula sa kanilang dating employer, sinasabing ito ay nai-paggawa na ngayong buwan.

Kasama ng iba pang natanggal na banyagang manggagawa, ang mga Pilipino ay pumipili ng mga gulay, mga bahagi ng manok at isda na tinapon na mula sa grocery store at minsa’y binibigyan na lamang sila ng mga delivery boy.

Ang mga Pilipino ay nagsusumamo sa Presidenteng Rodrigo Duterte na magkaroon ng isang dialogo sa Hari ng Saudi Arabia upang talakayin ang kanilang kalagayan.

Si Labor Secretary Silvestre Bello III ay nakatakdang lumipad sa Saudi Arabia sa Huwebes ng gabi upang personal na masuri ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon.

Ayon sa pro-OFW na grupong “Migrante International”, nasa 11,000 na OFWs na-natanggal sa trabaho ang kasalukuyang stranded sa Saudi Arabia ngayon.

Ang Saudi Arabia-based na kumpanya, lalo na sa mga kasangkot sa konstruksiyon, ay nagbabawas na ng empleyado mula pa noong nakaraang taon dahil sa biglaang pagbagsak ng halaga ng krudo.

SOURCE: GMA NEWS

#Japinoy #Japinonet

To Top