“Juvenile Law” ng Japan, ibababa sa edad 18 anyos pababa ang saklaw nito
Ang gobyerno ay itinuturing na ” specific juveniles” ang mga edad 18 at 19 anyos, ngunit napagdesisyunan ng gabinete na baguhin ang “Juvenile Law” at mas striktuhan ang mga parusa rito. Kung ito ay makakapasa, inaasahan na mapapatupad ito simula sa buwan ng Abril sa susunod na taon. Ang Juvenile Law na nakatalaga sa edad 20 pababa nung una, ay babaguhin at ibababa sa edad 18 at 19 ang mga specific juveniles. Para sa mga ito, ang mga kasong kriminal ay iextend sa mga kasong robbery at compulsory sexual intercourse o sapilitang pakikipagtalik bukod sa mga sakop nito sa ngayon na murder at iba pa., resulta ng mas striktong parusa sa mga lalabag na kabataan. Dagdag pa rito ay ang pagrereport ng tunay na pagkakakilanlan at iba pang detalye sa simula pa lamang ng prosekusyon. Kung ito ay matutuloy ay kasabay ito ng revised Civil Code sa susunod na taon, na magbababa ng edad ng “adult age” sa edad na 18 anyos.
Source: ANN NEWS