Kailan nga ba matatapos ang coronavirus sa Japan base sa mga opinyon ng mga doktor
Kailan magtatapos ang new coronavirus? Inihayag ang mga resulta ng isang survey na nagsusummarize sa pagtatapos nito sa Japan na isinasaalang-alang ng mga aktibong manggagamot. Ang “Doctor’s Friend” Co., Ltd.,, na nagbibigay ng mga serbisyo sa doctors’ recruitment services, ay gumawa ng survey sa 1346 na aktibong mga doktor sa buong bansa mula “May 1 hanggang ika-6” tungkol sa “panahon ng pagtatapos ng bagong impeksyon ng coronavirus sa Japan ng mga doktor” ginawa ito at inihayag ang resulta ng survey sa ika-7. Tungkol sa pagwawakas sa Japan, ang pinakamataas na bilang ng mga doktor ay sumagot ng “pagkatapos ng Hulyo sa susunod na taon” ay 33.5%. Ang dahilan ay ang mga puna tulad ng “May posibilidad na ito ay maging isang seasonal flu tulad ng mga new strains ng influenza at ito ay doon magmumula” “Higit pang pagkalat nito dahil na rin sa pagpapatuloy ng paglalakbay patungo at mula sa ibang bansa”. Sa kabilang dako, 20% ng mga sumasagot ang nagsabi na ito ay matatapos “bago” sa susunod na Hulyo, “Agosto hanggang Setyembre ng taong ito” ang kanilang tantya, 16% naman ang nagsabing “Oktubre hanggang Disyembre ng taong ito”, at “Abril hanggang Hunyo ng susunod taon ” ang hula ng nasa 14.9%. Mula sa mga doktor na tumugon, “Maaari itong wakasan kahit na pagkatapos ng pagpapahayag ng emerhensya, kung maingat pa rin ang lahat tungkol sa self-restraint” “Ang pagtaas ng mga impeksyon pagkatapos ng second wave o muling pagbabalik ng virus matapos maging negatibo ay magpapatuloy na mangyari at hindi ito maiiwasan, ito ang pinakamahirap pigilan dahil na rin sa global epidemic situation ng epidemya, nangangahulugang mangangailangan ito ng isang taon,bago makarecover “.
Source: ANN News