General

“KAKISHIBU”, nakikitaan ng potensyal na makatulong pangontra sa coronavirus

Inanunsyo ng Nara Medical University ang mga resulta ng pagsasaliksik na ang “persimmon astringent” mula sa prutas na persimmons ay nakakapag-detoxify ng coronavirus. Ang Persimmon astringent ay pinipiga upang makuha ang katas nito, fermented at hinahayaan muna  sa loob ng nakatakdang panahon , ito ay ginagamit rin para sa mga pintura at tina mula pa noong sinaunang panahon. Inihayag ng Nara Medical University na ang virus ay “detoxified” matapos na ihalo ang coronavirus sa laway, saka nilalagyan ng high-purity persimmon tannin at iniiwan ito ng 10 minuto. Sa pamamagitan ng paghahalo ng persimmon astringent sa kendi o ramune at saka ito isinusubo, naniniwala silang may malaking posibilidad ito na makatulong upang maiwasan ang impeksyon ng coronavirus.

Professor Toshihiro Ito, Immunology, Nara Medical University: “Kailangan nating mag-isip nang mabuti batay sa konsentrasyon, contact time, at mga ebidensya. Dahil sa mga nabanggit, hindi ito nangangahulugang kumain tayo ng perssimon upang makaiwas sa virus.”

Ang mga kumpanya na may kakayahang gawing komersyal sa hinaharap ang ideyang ito kabilang na ang karagdagan sa pagrecruit ng mga tao, plano naming magpatuloy sa klinikal na pagsasaliksik upang makita kung epektibo nga ito at ligtas para sa mga tao.

 

Source: ANN NEWS

To Top