KAMIKATSU, JAPAN – Noong 20013, ang lokal na gobyerno ay nagtakda na lahat ng residente ng naturang lugar dapat sumunod sa bagong patakaran. Ito ay ang mahigpit na recycling program para sa mga basura.
Simula noon, ang pamayanan ay nagre-recycle ng 80% ng kanilang basura. Ang mga residente ay natutong linisan at maghiwalay ng kanilang mga basura. Lahat ng basura na nanggagaling sa kusina ay ginagawang abono at ang iba naman na hindi na maaari pang gamitin ay dinadala sa sorting center.
Ang hakbang na ito ng lokal na gobyerno ay nagkaroon ng positibong epekto sa buong pamayanan. Tinatayang sa taong 2020 ang Kamikatsu ay inaasahang 100% zero waste na.
SOURCES: YOUTUBE.
#Japinoy #Japinonet