General

KANAGAWA: PRANK GOES WRONG

Kanagawa: Isang hapon ang kalaboso at  nakulong dahil sa pagkakalat ng isang masamang impormasyon via twitter. Ang naturang biro umano ay patungkol sa isang lion na nakatakas daw sa isang zoo sa Kumamoto, matapos ang trahedya ng lindol na syang kumitil ng buhay ng ilan sa naturang lugar. Si Kazuki Sato, 20 anyos ay umamin naman kaagad na sya umano ang nagpakalat ng masamang biro. Ayon sa kanya, katuwaan lamang ang lahat at hindi naman nya inaasahang seseryusohin ng ilan. Dinagsa ng tawag mula sa iba’t ibang concerned citizen ang zoo dahil sa pangyayari.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top