News

Kansai Airport, nagsimula ng buksan muli sa publiko ngayong araw 9/14/2018

Matatandaang isinara ang Kansai airport Terminal 1 sa publiko noong nakaraang bagyong Jebi dahil sa damages na inabot ng nasabing paliparan. Ngunit ngayong araw binuksan na ang ilang bahagi ng paliparan upang magbigay serbisyo sa mga pasahero.

Nagumpisa ng magcheck in ang mga international passengers nitong umaga ngunit ramdam pa rin ang katahimikan dahil hindi pa rin lubusang natatapos ang restoration sa nasabing paliparan. Ngayong umaga ganap na alas-7 ng umaga lumipad ang kauna-unahang domestic flight patungong Haneda. Binuksan na rin ang runway na nasira ng baha na kung saan ito ang ginamit ng mga international flights sa paglapag.

Bandang south side lamang ang fully resumed sa operation na kung saan minimal lamang ang damages na natamo, sa ngayon 39 domestic flights at 83 international flights lamang o halos 30% ng regular na schedule ng flights ang pinahihintulutan sa Kansai Airport terminal 1. Inaasahan ang full recovery ng operation ng nasabing paliparan sa ika-21 ng buwang ito.

https://www.youtube.com/watch?v=VM1KNyFvbiA

Source: TV ASAHI, ANN NEWS

Kansai Airport, nagsimula ng buksan muli sa publiko ngayong araw 9/14/2018
To Top