Health

Kaso ng Coronavirus sa Japan, Unti-unting Bumababa

Ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa Japan ay unti-unting bumababa.

Nananatili ang quasi-state of emergency measures sa 18 prefecture, kabilang ang Tokyo at Osaka.

Ang mga restriction ay nakatakdang mag-expire sa Marso 21. Naniniwala ang ilang government sources na karamihan sa mga ito ay maaaring alisin sa araw na iyon gaya ng naka-iskedyul.

Mahigit 9,100 bagong kaso ang naiulat sa kabisera noong Sabado. Iyon ay humigit-kumulang 1,600 na mas kaunting mga impeksyon kaysa sa naitala ng kapital noong isang linggo.

Plano ng central government na subaybayan ang sitwasyon dahil nananatiling mataas ang mga hospital bed occupancy rate sa ilang prefecture, tulad ng Osaka at Kanagawa.

Hihilingin nito ang mga opinyon ng mga local government official upang magpasya kung aalisin nito ang mga hakbang o hindi. Isasaalang-alang din nito ang mga rate ng kaso bago gumawa ng pinal na desisyon.

Naitala ng mga awtoridad ang mahigit 55,000 bagong impeksyon sa Japan noong Sabado. Nakapagtala din sila ng 141 na pagkamatay. Mahigit 1,200 katao ang naiulat na may malubhang karamdaman.

To Top