Katsushika City: Sanitary napkins pinamimigay ng libre para sa mga kababaihan
Sa Katsushika-ku, Tokyo nagumpisa silang mamigay ng mga sanitary napkins ng libre simula noong ika-18 ng Abril para sa mga kababaihang medyo nahihirapan sa pamumuhay dahil sa epekto ng pandemyang covid. May mga nakaimbak na sanitary napkins sa Katsushika City para mga kababaihang nangangailangan na nakatira sa siyudad, hindi na kinakailangan pa ng ID para magparehistro para sa privacy. May 800 sets na nakalaan para dito na ipamimigay sa “first come and first serve basis” simula ika-18 ngayong buwan hanggang ikaw-6 ng susunod na buwan. Ang ideya sa likod ng activity na ito ay dahil sa mga pagbabagong dulot ng pandemya marami ang nahihirapan sa pang-araw araw na pamumuhay na patungo sa tinatawag nilang “physiological poverty”. Ang mga nakaimbak na sanitary napkins ay parte ng disaster prevention stocks ngunit napagdesisyunang ipamigay na ito sa ngayon upang kahit papanu ay makatulong ayon kay Katsushika Ward Welfare Management Division, Minoko Yoshida.
Source: ANN NEWS