General

Kauna-unahang North American Corona Infection na naitala, mas malala ang sintomas

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Hilagang Amerika, isang pasyente na nahawahan ng bagong coronavirus ng dalawang beses ay nakumpirma. Ang mga sintomas ng pangalawang impeksyon ay mas seryoso kaysa sa nauna. Ayon sa medikal na journal na The Lancet, isang 25 taong gulang na lalaki na nakatira sa Nevada, USA, ay nahawahan ng bagong coronavirus dalawang beses noong Abril at Hunyo ng taong ito. Ang pangalawang impeksyon ay mas matindi. Sa ginawang resulta ng pagsusuri sa mga genes ng virus, nalaman na ang dalawang impeksyon ay sanhi ng bagong coronavirus, na may magkakaibang pinagmulan. “Kapag nahawahan na, hindi ito magagarantiyahan ng sapat na immunity sa sakit,” pahiwatig ng magazine ng Lancet.

Source: ANN NEWS

To Top