General

Kim 2 araw bumiyahe sa tren patungong Vietnam

FEB 26 2019 kahapon imbes na sumakay ng eroplano, dalawang araw na nagbiyahe si North Korean leader Kim Jong Un mula Pyongyang para makarating sa Vietnam kung saan idaraos ang ikalawang miting nila ni US President Donald Trump.
 
Dumating si Kim sa Dong Dang border station nitong Martes nang umaga matapos ang higit da­lawang araw na biyahe sa tren. Agad naman siyang sumakay ng Mercedez Benz limousine patungong Hanoi.
Kahit matagal ang byahe,Ang bulletproff train ay may mga
leather sofa at conference room upang hindi mabagot si Kim.
 
Dumaan ang tren sa China kung saan isinara ang mga kalsada kapag parating na ang pre­sidential train.
Sakay naman ng Air Force One si Trump at inaasahang darating ng Hanoi, Martes nang gabi.
Source :Abante
Kim 2 araw bumiyahe sa tren patungong Vietnam
To Top