Entertainment

Kirin Craft Beer for 140 yen o 2800 yen sa isang buwan?

Magandang balita para sa mga beer lovers dyan! Pwede na kayo makainom ng craft beer sa halagang 140yen bawat serving. Ang Kirin Beer ay nagsimula ng isang uri ng service na kung saan ay pwede mo ng maenjoy ang craft beer once a week sa weekdays sa lahat ng participating restaurants nationwide sa halagang 2800 yen sa loob ng isang buwan.

Ang Kirin company ang bahalang sumagot sa mga member stores, hanggang sa katapusan ng September, magbibigay umano sila ng suportang pinansyal sa mga stores na kasama sa serbisyong ito ng Kirin ayon na rin sa bilang ng mga beer na makokonsumo. Ang mga Beer companies ay patuloy na susuporta sa mga restaurants na bumababa ang sales nang dahil sa coronavirus.

 

Source: ANN NEWS

To Top