General

TWO BOYS DIED IN COLLISION AT KISO RIVER

GIFU PREFECTURE HASHIMA – Dalawang batang lalake ang namatay matapos magbanggaan ang rubber boat at personal watercraft ng mga ito sa Kiso River sa Gifu Prefecture Hashima.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente noong ika-labindalawa ng Hunyo sa ganap na ika-tatlo ng hapon. Sakay ng isang personal watercraft at rubber boat ang mga biktima na pawang apat na mga lalaki at isang babae nang makitang magbanggaan ang mga sinasakyan ng mga ito. Isang labing-isang taon at tatlong taon na mga batang lalake na kasama ng iba pang biktima na pawang magkakapamilya ay ang namatay sa insidente.

Dagdag pa, tatlo sa limang biktima ay nakaligtas at malayo na sa kapahamakan. Napag-alamang ang mga ito ay mga dayuhan pala.

Panoorin ang video sa iba pang detalye ng balita.

SOURCES: YOUTUBE, ANN NEWS CH

#Japinoy #Japinonet

To Top