Knife attack at Tokyo subway station leaves two injured

Dalawang indibidwal ang nasugatan noong gabi ng Miyerkules (ika-7) matapos ang isang pananaksak sa Todaimae Station, isang estasyon ng subway malapit sa Unibersidad ng Tokyo. Nangyari ang insidente bandang 6:55 ng gabi sa platform ng Namboku Line ng Tokyo Metro, sa distrito ng Bunkyo.
Arestado sa pinangyarihan ang salarin, isang 43-anyos na lalaki, sa kasong attempted murder. Ayon sa pulisya, ang isa sa mga biktima ay nagtamo ng sugat sa ulo matapos saksakin habang sumasakay ng tren. Ang isa pa ay nasugatan sa mga daliri habang tinatangkang pigilan ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng insidente.
Source: Mainichi
