Mahigpit na ipinagbabawal ang pangangalaga ng mga hayop sa mga residente ng apartments. Isang 40 year old na residente ng isang public apartment sa Shiei Juutaku ang inireklamo ng kapitbahay sa di umanoy masamang amoy na nakakaabala sa mga ito. Nang sinilip ng mga administrator ang nasabing apartment ay nadiskubreng nag-aalaga ito ng 53 na pusa sa apartment. Ang renovation ay umaabot sa ¥10 million at bibigyan ng karampatang penalty ang nasabing residente.
https://www.youtube.com/watch?v=KpmtGvSkMw8
Source: ANN News
By
Posted on