Events

Kumamoto Earthquake: 6.2 magnitude, 9 patay, 800 sugatan

Kumamoto earthquake: Mula sa Tokyo CNN News, Umabot na sa 9 katao ang naitatalang patay mula sa nangyaring lindol kahapon lamang ayon sa report ng Kumamoto Prefecture disaster management office.

Ag search and rescue ay patuloy na ipinapatupad sa layuning makakuha pa ng survivors at masigurong nailikas ang lahat ng natitira pang mga residente mula sa mga gumuho at nasirang establisyemento.

And lindol na umabot sa 6.2 magnitude ay tumama malapit sa Ueki, pahayag ng U.S Geological Survey. Maraming sunod sunod na aftershock ang naramdaman pagkatapos.25

“ Halos tinatayang 20 segundo din ang itinagal ng pagyanig bago tuluyang tumigil ang 6.2 magnitude earthquake”, pahayag ng isang witness na nagngangalang Lim Ting Jie.

2 patay ang naitala sa Mashiki, ayon sa Kumamoto Prefecture office. Isa ay mula sa isang gumuhong bahay at ang isa naman ay natagpuan mula sa nasunog na bahay dahil sa lindol.

Tinatayang aabot na sa 800 katao ang nasugatan, 50 ang malubha. At 44,449 ang inilikas.

Ang director ng Japan Meteorological Agency’s earthquake division na si Gen. Aoki ay nagpahayag ng babala na maghanda ang lahat sa aftershocks na maaaring maganap pagkatapos ng insidenteng ito na hanggang sa susunod na linggo.

Dagdag pa ng isang CNN meteorologist na si Chad Myers, “ Ang lindol na ito ay ang tipo na hindi matatapos minsanan, maaaring magtagal pa ito ng walang katiyakan kung hanggang kalian.”

Ibig sabihin ang pinsalang natamo sa kasalukuyan ay maaari pang madagdagan.

“Ang mga building na gumuho mula sa unang lindol ay pwede pang madagdagan, ang may mga crack lang ay pwedeng gumuho at magcollapse ng tuluyan kapag nasundan ng pagyanig.”

Napakalakas ng impact nito na tinatayang umabot sa halos 750,000 katao ang nakaramdam ng pagyanig na ito. “Ang pinakamalakas na pagyanig ay naramdaman sa mga lugar na kung saan ay mas makapal ang populasyon ng naninirahan,” turan ni Myers.

Hindi man makokonsidera na napakalakas na ng magnitude 6.2 na lindol ngunit ang lalim nito na aabot ng 10kilometro ay isa sa mga dahilan at pinangangambahan ng mga eksperto.

Kahit na sabihing hindi ganun kalakas ang lindol kung ang pinanggagalingan ay mababaw tulad ng isang ito, ibig sabihin mas maraming pinsala ang maaring maging resulta nito, giit ni John Bellini, ng U.S Geological Survey.

Mula sa 19 kabahayan na sinira ng naturang lindol, hindi pa kasama ang mga nasirang gamit at items mula sa mga tindahan at ang iba pang damages sa open street.

Ngunit ipinagpapasalamat na ang sentro ng lindol ay nasa lupa hindi tulad ng iba na nasa dagat, kung kaya’t ang pangamba na maulit ang tsunami accident sa Japan ay hindi naganap.

Ang lokasyon ng Bansang Japan ay maituturing na nasa tinatawag nilang Ring of Fire, kung kaya’t ang lindol ay ititnuturing na lang nilang pangkarinawan na kaganapan.

Ang pangalawang naitala na kabilang sa pinakamalakas na lindol na tumama sa Japan ay naganap noong March 11, 2011 na may magnitude 9.0 nakasentro ang lindol 231 miles (372 km ) northeast ng Tokyo. Ang lindol nay un ay nagdulot ng isang napakalaking Tsunami na sumira at lumamon ng isang buong komunidad bandang eastern Japan. Napakalaking pinsala ang dulot kabilang na ang pagkasira ng FUKUSHIMA DAIICHI Nuclear Powerplant na magpasa hanggang ngayon ay naituturing ang ibang lugar doon na ghost town dahil hindi na pwedeng tirhan dahil sa pangamba sa kalusugan na dulot ng sumabog na power plant.

Ang pangyayaring ito ay nakaapekto sa tinatayang 22,000 na patay mula sa lindol mismo, pinsala sa tsunami at ang iba ay dahil sa problemang pangkalusugan.

Ayon kay Jie, ang pangyayari noong huwebes ay isang eye-opener upang mas ma-appreciate nya ang buhay.

“ Ang experience na ito ay nagmulat sakin upang mas pahalagahan ko ang aking pamilya at mga kamag-anak at gawin silang priority kaysa i-take for granted ang panahon ko at mas bigyang pansin ang ibang bagay.” Dagdag pa nito.

Narito ang ilan sa mga larawan sa naganap na lindol:

source: google images, CNN News

To Top