General

KUMAMOTO PREFECTURE – 6 dead due to heavy rain

KUMAMOTO —Anim ang patay nang manalasa ang malakas na ulan sa Kumamoto Prefecture. Ito ay nagsanhi ng mga pagguho ayon sa lokal na pamahalaan nitong Martes ika-21 ng Hunyo.

Samantala, patuloy na nagbababala ang Japan Meteorological Agency sa mga residente sa posibleng pagguho ng lupa at pag-apaw ng mga ilog. 100 milimetro na ng tubig ulan ang ibinubuhos nito sa Kumamoto at Miyazaki Prefecture. Nagtala ang ahensya ng 150.0 milimetrong ulan kada oras.

Sa Kumamoto, isang matandang lalaki na may edad 92-taong gulang na si Temeki Iwaya ang namatay. Matapos tangayin ang bahay niya patungong Kamiamakusa nitong Lunes. At namatay din si Osamu Soga, 79-taong gulang, matapos nitong malunod sa baha. At sa landslide naman namatay si Nobuto Hashitani, 87-taong gulang at ang kanyang asawa na si Tsuneko, 85-taong gulang.

Sa Uto naman, namatay rin si Takamichi Nakaguchi, 66-taong gulang at isa pang di pa nakikilala ang namatay matapos matabunan ng landslide ang kanilang mga tahanan.

Dahil sa malakas na ulan, ang mga kinauukulan naman ng pamayanan ng Minamiaso at Mashiki ay nagpalikas na ng kani-kanilang residente.

SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

https://youtu.be/lSqGJ2z_hhs

To Top