General

Lalaki, bumaba ng eroplano dahil hindi komportable magsuot ng mask habang nagbibiyahe

Ang isang lalaki na sumakay sa isang eroplano sa Okushiri Airport sa Hokkaido ay tumanggi na magsuot ng mask sa buong oras ng biyahe dahil hindi siya komportable rito kung kaya’t pinili nalang nitong bumaba bago pa magtake-off ang eroplano.

Paalam nito sa Flight attendant: “Humihingi ako ng pasensya na hindi ako nakasuot ng mask at sumunod sa mga tagubilin, kaya maaari ba akong bumaba?”

Ang lalaki ay lulan ng Hokkaido Air System mula Okushiri hanggang Hakodate, ngunit tumanggi na magsuot ng mask habang nasa biyahe kung kaya’t bumaba na lamang ito bago mag-take off. Sinabi ng isang lalaki sa ANN na “Hindi ako komportable nang nagsuot ako ng mask, at pinayagan akong sumakay nang walang mask sa Japan Airlines.” “Ayokong sabihin ang kahit ano tungkol sa sakit ko.” Sa kabilang banda, ipinaliwanag ng Hokkaido Air System, “Hindi nila makumpirma ang kaligtasan dahil hindi sila makakuha ng isang malinaw na sagot sa dahilan ng pagtanggi ng pagsusuot ng mask ng nasabing pasahero at ano nga ba ang talagang sakit nito.”

https://youtu.be/F9OGWfJ6Gsc

Source: ANN News

To Top