Crime

Lalaki Inaresto, dahil sa Pagpapasabog sa Lugar kung saan Nakatakdang Magbigay ng Kanyang Speech si PM Kishida

Sinabi ng pulisya na inaresto nila ang isang lalaki na tila naghagis ng bomba sa isang daungan sa kanlurang Japan kung saan nakatakdang magbigay ng talumpati si Punong Ministro Kishida Fumio.

Umalis na umano si Kishida sa lugar matapos marinig ang pagsabog doon at nakumpirmang siya ay ligtas.

Sinabi ng mga awtoridad na walang naiulat na nasawi.

Bumisita si Kishida sa Saikazaki Port sa Wakayama Prefecture noong Sabado ng umaga.

Ang insidente ay humantong sa pagkansela ng kanyang talumpati.

Sabi ng isang testigo, “I heard an explosion about 10 seconds after the suspect was taken down. I don’t know what it was, but something that it looked like it came from an explosion just flew by me.”

Nagpahayag si Kishida ng talumpati kinabukasan sa harap ng JR Wakayama Station.

Sinabi ni Kishida, “Nagdaraos kami ng isang mahalagang halalan para sa bansa at kailangan naming magtulungan upang maabot ito hanggang sa wakas.”

Ang ikalawang round ng local elections ay magaganap sa Abril 23. Ang mga botante ay pipili ng mga mayor at mga assembly member sa mas maliliit na munisipalidad.

Idaraos din sa araw na iyon ang mga by-election para punan ang mga bakanteng pwesto sa limang lower at upper house seats.

Si dating Punong Ministro Abe Shinzo ay binaril at napatay sa lungsod ng Nara noong Hulyo ng nakaraang taon habang nagbibigay ng talumpati sa kampanya.

Ang apatnapu’t dalawang taong gulang na si Yamagami Tetsuya ay kinasuhan ng ilang mga kaso — kabilang ang pagpatay.

To Top