Crime

LALAKI, MALUBHA DAHIL SA PAGHILA NG KURUMA

Dalawang tao kabilang ang isang may Philippine nationality, ay naaresto sa Tokyo, Sumida Ward, sa paghinala ng attempted murder matapos nilang paandarin ng mabilis ang kanilang sasakyan, na nagresulta sa pagkahulog at malubhang pagkasugat sa ulo ng isang 28-taong-gulang na lalaking nakakapit sa pinto ng pasahero.

Ang mga naaresto ay sina Perez Francis Keini Solares, 21, na walang tiyak na tirahan at walang trabaho, at taga-Philippines, at Jun Taniguchi, 21, mula sa Chiba City na ang trabaho ay hindi natukoy. Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, noong Marso, sa isang kalye sa Sumida Ward, ang sasakyan ay biglang pinaharurot habang ang 28-taong-gulang na lalaki ay nakakapit sa pinto ng pasahero, na nagresulta sa kanyang pagkahulog at malubhang pinsala sa ulo.
https://www.youtube.com/watch?v=S6UGSv1Le-c
Ang insidenteng ito ay nagresulta sa panandaliang pagkawala ng malay at kritikal na kondisyon ng biktima, na dinala sa ospital. Ayon sa mga footage ng CCTV, ang sasakyan ng mga suspek ay lumabas sa kabilang linya at nagmaneho ng paikot-ikot sa tinatayang haba na 60 metro. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang detalyadong pangyayari. Hindi pa inilalabas ng pulisya kung inamin na ng dalawang suspek ang kanilang mga kasalanan.
NHK NEWS WEB
May 1, 2024
https://www3.nhk.or.jp/news/html/20240501/k10014437981000.html

To Top