General

Lalaki nagsampa ng kaso sa China sa pagkamatay ng kanyang ama dahil sa coronavirus

Inihayag ng bansang China na naging matagumpay umano ang kanilang laban sa pagsugpo ng coronavirus , ngunit isang lalaki kung saan pumanaw ang kanyang ama dahil sa coronavirus ay nagdemanda laban sa pagkalat ng impeksyon, ang gobyerno ng Wuhan umano ay hindi nagsabi ng totoong estado ng bayrus sa kanila bagkus ay itinago nila ang mga impormasyon sa naunang pagsiklab ng impeksyon sa lugar. Sa kauna-unahang pagkakataong ipinahayag ng Chinese government na naging matagumpay sila sa pagsugpo ng coronavirus sa kanilang bansa, maraming citizen roon ang nagduda kung totoo nga bang ok na ang sitwasyon at ligtas na ang kanilang lugar. Isa na si Mr. Zhang Hai (51) na nawalan ng ama at naniniwalang kung hindi sana pinagtakpan ng gobyerno ang totoong sitwasyon doon, marami sa mga nawalan din ng mahal sa buhay ay dahil sa bayrus. Noong umpisang pagputok ng balita sa pagsiklab ng impeksyon sa lugar, sinabi sa Wuhan na kontrolado ang sitwasyon at hindi naipapasa mula sa isang tao papunta sa iba ang bayrus.

Noong January, nahospital ang ama ni Mr. Zhai dahil sa fracture sa isang ospital sa Wuhan na kinalaunan ay namatay dahil nahawa ng coronavirus. Ininterbyu noon si Mr. Zhai ng isang Chinese media, ngunit hindi pinaunlakan dahil binilinan sya umano ng kanyang boss na wag ng magreport pa. Kinontak ni Mr. Zhai ang iba pang pamilyang nawalan din ng mahal sa buhay sa parehong sitwasyon at nagsimulang mangolekta ng pondo upang makapagpatayo ng isang memorial monument sa Wuhan ngunit siya ay nakatanggap ng mga tawag mula sa security authorities at dahil sa takot at banta noon sa buhay napilitan siyang itigil ito.

Ngayong buwan ay nagsampa ng demanda si Mr. Zhai para sa compensation at apology mula sa gobyerno dahil marami umanong buhay ang nasawi dahil sa intensyunal na pagtatago ng tunay na estado ng virus sa lugar, ngunit hindi ito tinanggap sa korte. Saad pa nito na natatakot ang iba na lumantad dahil sa pressure sa mga awtoridad at wala silang laban upang sisisihin ang gobyerno dahil dito.

https://youtu.be/duggzgQ1hVc

Source: ANN News

To Top