Health

LAWSON: 50% discount sa mga Gatas

Isang promo ang nilunsad ng pangalawa sa pinakamalaking convenience store chain company sa Japan, ibinaba nito ang presyo ng gatas sa kalahati. Mabibili ito sa halagang ¥65 yen mula ika-9 hanggang ika-20 ng buwang ito.

Layunin nitong masuportahan ang mga bata sa kanilang school break dahil sa outbreak na dulot ng COVID-19.
Pati rin ang “Cafe Latte M” ay kasama sa promo at mabibili nalang sa halagang ¥120 (¥30 discount).
Upang makadagdag tulong sa pagsuporta sa mga batang namiss ang kanilang school meals, matatandaang ang Lawson brand ay nagmula sa isang “milk store” sa Ohio, USA noong panahon ng 1930’s.

source: ANN News

To Top