Business

Layunin ng Bagong Batas na Bawasan ang Paggamit ng Plastic sa Japan

Ang batas na nag-aatas sa mga businesses sa Japan na bawasan ang mga disposable plastic item ay nagkabisa nitong Biyernes.

Nalalapat ang batas sa mga retail shop, hotel, restaurant at iba pang businesses na nagbibigay ng 5 tons o higit pang mga single-use item bawat taon. Dapat na sila ngayon ay maningil para sa mga plastic item, o mag-alok ng mga alternative made mula sa ibang mga materyales.

Ang Convenience store chain FamilyMart ay hindi na magbibigay ng mga plastic na tinidor sa mga customer na bibili ng mga pagkain. Ang mga customer ay maaaring mag-request ng mga bamboo chopstick sa halip.

Tinatantya ng FamilyMart na ang paggawa ng pagbabago sa mga outlet nito sa buong bansa ay magre-reduce ng plastic waste ng 260 tonelada bawat taon.

Ang Imperial Hotel sa Tokyo ay mag-aalok ng mga toothbrush, pang-ahit at mga hairbrush na may mga bamboo o wooden handle, bukod sa iba pang mga pagbabago.

Ang hotel operator ay nagsabi na ang mga gastos para sa mga amenities ay halos three-fold na kung ano ang mga ito ngayon, ngunit inaasahan nitong babawasan ang paggamit ng mga plastic item na napapailalim sa batas ng higit sa 80 porsyento.

To Top